|
|
|
|
||||||
|
WE NEED
YOUR SUPPORT! Send
your donation Editor, Mila Garcia Glodava EMAIL: editor@infanta.org Click here to send us e-mail! Please send your news items to: editor@infanta.org Sign Our Guestbook View Our Guestbook |
|
Birthday bash for Bishop Labayen may be last as Bishop of Infanta Prelature now soliciting funds for celebration. Please read below Father Mario Establecida's solicitation letter. Kapayapaan at Pagpapala ng Panginoon! Sa darating na ika-23 ng Hulyo, 2003 ay ipagdiriwang natin dito sa Sambayanan ng Infanta ang KAARAWAN NI OBISPO JULIO X. LABAYEN, OCD. Ang kanyang kaarawan ay pagkakataon upang ating ipagdiwang ang ating pagkakaisa bilang Prelatura ng Infanta - isang Simbahang Lokal sa ilalim ng pamumuno niya bilang ating Pastol. Kaya't ang pagkakataong ito ay pagtitipon ng buong Prelatura, kasama ng kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Batid na ninyo marahil na maaaring ito ang huling pagkakataon na makasama natin siya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan bilang ating Obispo ng Prelatura, sapagkat siya ay nagretiro na at naghihintay na lamang ng kanyang kahalili na hihirangin ng Santo Papa. Narito ang Daloy ng gagawing pagdiriwang: July 22 - Martes: Datingan ng buong Prelatura,mga kaibigan, at Mission Partners Registration: sa Compound ng Simbahan Accomodation: sa mga Host Families ng Infanta July 23 - Miyerkoles : Pagdiriwang ng Kaarawan ni Obispo Julio X. Labayen, OCD Lugar: Infanta Town Plaza Oras: 8:00 ng umaga &endash; Parada 9:00 ng umaga - Programa Layunin: Palalimin ang ating pagninilay sa kanyang itinuro sa atin at sa kanyang pagkatao. Tema: "Pasasalamat sa Panginoon sa Lingkod ng Sambayanan ng mgaDukha" Bawat isang Sub-Region ng Prelatura (Vicariate) ay inaasahang maghanda ng kanilang presentation hinggil sa paksang ibinigay sa kanila pagkatapos ng paradang parangal kay Bishop Labayen: DIBICADI: "Sambayanan ng mga Dukha at Kalikasan" VALLEY-DING: "Sambayanan ng mga Dukha at Balangkas ng Ugnayan sa Lipunan" PULO: "Sambayanan ng mga Dukha at Paghubog sa Pagpapahalaga sa tao" RIN: "Sambayanan ng mga Dukha at Kaunlaran" KATUTUBO: "Sambayanan ng mga Dukha at ang Lupang Ninuno". Pagkatapos ng lahat ng presentations, hihilingan natin si Fr. Carlos Abesamis, SJ na lagumin ang lahat ng mga palabas sa isang Theological Reflection. Isusunod ang sama-samang Pananghalian. Ihahanda ito sa mga silid ng Mt. Carmel School of Infanta, Inc. Pagkatapos ng pananghalian ay pagpapalabas ng mga natatagong talino sa pag-awit, pagsayaw o pagtula ng mga kinatawan ng bawat Sub-Region o Vicariate ng Prelatura. Ang mungkahi ay mga alternatibong musika ang kanilang ihahanda. Sisikaping anyayahan si Gary Granada &endash; isang kilalang mang-aawit sa Pilipinas ng mga Alternatibong Musika - upang magbigay ng ilang awit lamang, pero lalo't higit ay ang kanyang awit na "Ang Pagsamba at Pakikibaka" na siyang Theme Song sa Programa ni Bishop Labayen sa DZJO-AM na "Kumusta po, Bishop?". Ito ay hanggang 3:30 ng hapon. 4:00 ang Pagdiriwang ng Eukaristiya. Idaraos ito sa Katedral ni San Markos. Pagkatapos ng Misa ay meryenda, at pagka-meryenda ay uwian na. Kaugnay ng pagdiriwang na ito, lumalapit kami sa inyo upang hingin ang inyong tulong PINANSYAL at partisipasyon. Ang anumang halagang inyong makayanan ay lubos naming pasasalamatan. Ito ay malaking tulong upang maging makahulugan at matagumpay ang ating pagdiriwang. Maaari ninyong ipadala ang inyong tulong sa pamamagitan nito: Ø Kapag US Dollar: Ø Kapag Philippines Pesos Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa paghahanda ng ating selebrasyon. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon dahil sa inyong kagandahang-loob! Sumasainyo kay Jesu-Kristo, Editor's Note: If a tax-deduction is important to you you may send your donation to Metro Infanta Foundation, and we will then send your donation to the Organizing Committee. If not, please feel free to send your donations as indicated above. |
||||||