Eyewitness account sent Dec. 6, 2004, 1:57 a.m., to Mil Villaflor (and send to us by Ellen Mercado Irons) by Jonathan P. Fortunado

Editor's Note: We are publishing this account as received, but with slight editing to keep the flow and fit in the page more smoothly) so you can feel the distress of Jonathan's experience as well his sense of humor and some insight on the destruction of Infanta, Real and General Nakar.

Mil,

Mil kong may time ka basahin mo itong kwento ko. hinabaan ko para me imagine mo ang scenario..iba sa TV iba sa news clipings, the actual situations are worst (sensya na walang editing ito kong ano lang ang pumasok ang mare- call at the moment)

BAD NEWS
Iyay called me at about 11:30 p.m. sabi nya lahat ng tao sa infanta nasa bubong na...Di na ko nakatulog, we tried calling for rescue and other govt. agency.

TREKKING
Me and Jeffrey first attempted to penetrate Infanta last Wednesday, Dec. 02,2004. Nasa bundok kami, hapon yon, me announcement signal #4, sa Aurora at Quezon ay 3 naman. Its too risky ...we decided to go back -- me sa cavite, si Jeff sa Laguna, si Joseph sa Manila.

Nakita ko sa bundok si Bobby Babas at Teven Caderma. Sina Teven at family nya, muntik na matabunan sa bundok ng slide sa Maragondon. Buti nakatakbo sila, tapos pinilit nilang i-atras yong sasakyan, barely 1 minute after that gumuho na, natabunan yong isang fierra sa harapan nila. Walang namatay doon. Pero at the same night, me naglalakad na dalawang binata, doon din sa maragondon, natabunan. Patay.

Bobby and Teven also decided to go back. According to Bobby he has some experience in the "mountain" pero di pwede ngayon.

DETERMINATION
Sabi nong nakasalubong namin, "pare kong wala ka determination di mo kakayanin." Two days sila ngalakad kasi. Dec. 01,2004 sila umalis kakapanyari, ala ba kahit ano rescuer nanakakapasok, sila ang mga unang nakaalis. Well, in any endeavor kong alang determination di pwede. Talagang nakita nila ang mga patay sa Tignoan.

2ND ATTEMP, Saturday, Dec. 4,2004
Jeff and I hit the road at about 4:10 a.m. We reached Maragondon at about 7:00 p.m. Simula doon, pinapara na ang mga sasakyan. Madami doon na nag "papa-cute" -- mga mukhang mayaman na nakasakay sa Pajero, safari, Big bikes, mga other 4x4 vehicles. Eh, hinayupaks di naman sila makakalusot. Saka para ano?

Makalipas ang 30 minutes dumating ang truck ng army. Siksikan kami, punong-puno. At this point medyo nagbibiro pa kami ni Jeff. Medyo nakakangiti pa ko.

Dumating kami sa me Tanauan, makalagpas lang ng mga 2-4 kilomete sa Pasalubong center ni Raffy Nantes, ay lakad na kami. Eh isa pang 'tragis ito...anong pasalubong ba ang nabibili doon. ang tagal na noong structure na yon ah!

START OF HIKING
Ang unang guho ay mahaba agad, about 100 - 150 meters. 'tragis, lusot agad ang paa ko, hangang hita. Sa gilid ng bundok and daan,maputik at masakit sa paa pag-yapak ka, pag-naka shoes ka, mahirap hugotin sa lupa pag-puno ng putik. Me backpack kami, complete ang gear namin...walangdyo puro porma lang pala ako...hingal na ko, at nagsasaltik na ang tuhod ko.

Noong college days( late 80's), me mga guho din, pero iba ito parang walang katapusan..lahat ng naglalakad puro putik ang katawan. Saka yong buonng Tanauan goho lahat halos.

TANAUAN BRIDGE
Pagkatapos ng 5 oras na lakad, nakarating kami sa tignoaan bridge, ptuo lang ito sa parting approach niay. kaya lang puro trosa at maliit na kahoy ang tulay. Halos lahat ng bahay doon sa gilid ng bundok ay wala na. Me puno ng niyog sa gitang kalsada nakatayo mag mga lupa din, sayang wala akong dalang digital /handy cam (pero wala nga pala talaga ako noon).

Lakad ulit about 2 km, aplaya, mabaho, me mga patay daw na kanabaon, nasingaw, meron din may tabon lang na buhangin at may improvided wooden cross, di ko na kayang maglakad. May option na ako, by boat puntang Ungos, kaya lang 'tragis, hahampasin ka ng alon pagsakay, basang basa ka naman ng dagat. Pinili ko 'to. Si Jeff takot daw sa dagat, nag lakad pa Real another 10 km.

Sa real me nasasakyan na pa Infanta, hangang Comon lang. Sa daan ang dami sasakyan sira -- kotse, van, truck , mga 12 Raymuond Bus, puro putik, eh kasi ba naman lagpas bubong daw ang tubig sa Comon.

Mahirap padin maglakad buong bayan may banlik, malagkit na putik. Lahat baon sa putik, lahat ng tao maduming itsura, awals "din goli" yata ang marami dito for several days.

Si Jeff nag navigate by land, it took him another 2 1/2 hours bago makadating sa real. We laughed and laughed upon seeing each other again "alive" -- birong magkapatid. Of course we were moved by the calamity and the peoples' tale around us.

OK si mommy, sina tiya at lahat ng family natin. Ang meaning ng OK ay "buhay." It can be even no foods, applliances, and other amenities na they used to enjoy, eh ngayon basic needs ....wala.

According to news, tons and tons of relief goods will arrive soon, pero as of yesterday morning parang very scarce pa din.

Si Mrs Leynes nasa bahay nyo, sina Inang Letty also, 'yong pamangkin ni Fr. Francis nasa inyo din nakulong sa infanta.

Bahay nina Makko, maayos no damages, bahay nina Tyo Binoy ok lang din.

Yong elementary inabot ng baha.

Sa Barangay Ilog, concrete houses lang ang natira lahat wasak.

Slaughter house sa palengke tinangay ng tubig

Malapit sa kina Kuya Udi Establiceda, me malaking troso

Sa mga palayan me naka park na sasakyan, motorsiklo baon din.

Sa Comon me patay daw na 3 tao.

Sabi nong isang dumaan sa bahay nyo, parang dagat yong palayanan nyo (Mil).

Yong simbahan ng catholic sira din ang loob

Ang liter na fuel: 40 pesos

ILLEGAL DRUGS
Anak ng tipaklong.......active pa din sila, not affected by the tragedy. Narining ko sa mga nag uusap. Meron pa din daw. Eh di mas magaling ang mga pushers kaysa govt agency. Nauubusan ng foods eh.

ILLEGAL LOGGING
Kahit sino doon...sinisisi natin ang mga illegal loggers. Pero legal at illegal di ba pareho lang sumisira sa kalikasan

REFLECTION
Tiya Bakit I -na- aalow ng GOD na mangayari to,,looking down at the destructions around us. Tiya replied I dont know, but he knows what is best for us. Sabi noong two strangers na katabi ko sa tanauan (I heard their conversation) Nakaupo ako sa malaking bato na nahulog sa bundok.) They are also resting, "pare may Dios pa ba..parang wala ng Dios sa bundok." I want to tell them OF COURSE meron, pero I was so exhausted to utter immediately, then they resumed their journey. Madami tang addict sa atin eh kaya nililipul, narining ko sa isang binata.

JOKE
Ang pinoy..medyo iba ..still can manage to laugh a little kahit me tragedy...pang pagaan siguro ng damdamin.

Kuya Roy told me ..Jon mura ang second hand cars dito. Bay -on sa palayanan. Ikaw na ang maghuhukay

My brother Jeff told me. "Kuya kahit isa lang satin ang mabuhay refusing to take the boat. Lakad na lang daw siya." Tragis ibig sabihin yong pagsakay ko sa banka, baka mamatay na ako, hehe hehehe at sya nag ligtas.

MURA ang pedicure sa Infanta. Eh sinong magpapalinis, 1 foot ang banlik sa kalsada at bahay

POSITIVE MIND
Si Matt kapitbahay namin katapat ni Dado: Sabi ko ano Matt, kaya lang diba ? "OO naman. We can survive this."

Ingat ka dyan.

Jonathan P. Fortunado
Factory Manager
Shimadzu Philippines Mfg. Inc.
Tel. Nos. 0063(46) 437-0431 to 33
Direct: 0063(46) 971 49 40
Fax. 0063(46) 437 0434
e-mail: jonspm@info.com.ph